bearlabs05

Im ALTHEA MARI SURELL..
born on 5th of June
you can call me THEA
most of the time i want to be alone
my favorite place is at our rooftop so i can gaze stars
i appreciate someone who make me smile in just a simple way

thats all thank you.. :p
^_^


Kurt Vonnegut (via drapetomania)

(Source: seabois, via piiinkpapupi)

I still catch myself feeling sad about things that don’t matter anymore.

Dream <3 

Minsan sa sobrang ganda nung panaginip ko gusto kong di nalang ako magising e. Gaya nalang nung panaginip ko nung may 22 sama ko na din yung year. haha. 2013. :) Paano ba naman kasi. Napanaginipan ko lang naman ang CRUSH/IDOL kong si Jake Angelo Cunanan Vargas. At sa sobrang saya na naramdaman ko dun sa panaginip ko tila ayaw ko ng magising. Paano ba naman nakita ko daw sa personal si Jake di lang yun malapitan ko pa siyang nakita. Papasok kasi ako nun sa Jollibee tapos nakita ko na nakasakay siya sa isang car kasama yung iba niya pang fans na sobrang close sa kanya. Tapos ako kahit gusto ko daw siya lapitan that time sobrang nahihiya daw ako kaya ang ginawa ko pumasok ako sa jollibee tapos nagulat ako kasi nung paakyat na ako sa second floor ng jollibee nakasunod na pala sa akin yung mga fans pa ni jake na kasama niya tas pinaka huli daw na paakyat ay si jake umupo pa nga ako nun sa table na kung saan madali kong makikita yung pag akyat ni jake then nung nakaakyat na at nakaupo na yung iba niyang fans bigla siyang lumitaw sa hagdan tapos yun sabi niya sa mga kasama niya pupunta lang daw muna siya dun sa isang room. Then nung nakapasok na siya sa isang pinto di daw ako mapakali kaya ang ginawa ko nag restroom muna ako then pag labas ko e katapat nun yung room na pinasukan ni jake yun nga pag labas ko ng restroom sakto daw palabas na din si jake nun tapos nagkatinginan daw kami tapos nginitian niya ako. Then dapat bababa na ako at aalis na kaya kinuha ko na yung bag ko dun sa table kung saan ako nakapwesto then di ko alam pero nung lumabas na ako dun sa may mga tables and chair pumasok daw ako dun sa room kung saan bumalik ulit si jake then nakita ko si jake na nakatayo sa may parang balcony/ terrace e may nakita akong foam na nakalatag dun bigla ata akong nakaramdam ng antok sa panaginip ko then dumapa daw ako dun sa foam then pinikit ko yung mata ko dahil inantok ako tapos nagising ako katabi ko si jake medyo malamig pa nga daw dun sa room na yun kasi nakajacket pa nga daw si jake nun e. tapos nakadapa din siya sa tabi ko tapos nakapatong pa daw yung braso ni jake sa likod ko. Sobra daw akong kinikilig na nun that time tapos napapangiti nalang ako kasi di ko maalis yung braso ni jake dahil baka magising siya kaya napasmile nalang ako tapos nagulat ako kasi bigla siya ngimiti tapos dumilat nung nagkatinginan kami kinausap niya ako di ko na lang maalala ano yung sinabi niya sa akin tapos nung tumagal sabi niya magpicture daw kami e di syempre ako puayag ako idol ko e. haha. Then nung natapos kami mag picture-an ng kung  anu-anong pose sabi ko sa kanya aalis na ako tapos nung pag labas ko sa may pinto nung room hinabol niya ako then hiningi niya yung number ko so ayun binigay ko di ko nga lang maalala kung hiningi ko na din number niya o binigay niya or hindi e. Then nung nakalabas na ako sa jollibee nag alisan na din daw yung fans ni jake then maya maya lumabas na din si jake sabi niya sumabay na daw ako sa kanya then tinanong niya kung saan ako banda nakatira tapos nung sinabi ko sabi niya on the way naman daw pala yung uuwian ko sa dadaanan nila papunta kung saan man sila pupunta so sumabay na ako tapos ayun binaba niya ako sa may litex then nag bye siya sa akin. Ang naaalala ko pa nagtext siya sa akin pag kauwi ko kaso di ko na nga lang nabasa yung tinext niya sa akin kasi nagising na ako. How i wish na magkatotoo yun sa totoong buhay. Siguro super saya ko kung mangyayari yun. Hirap naman pag napamahal ka na sa idol/crush mo tapos celebrity pa. Ang hirap SOBRA mareach. 

Ang gulo. :|

Di ko maintindihan yung gusto mo e. Sabi ko sa sarili ko tsaka sa kanila baka last chance mo na manligaw. Kasi nakailang sabi ka na sa akin na ganun tapos parang wala naman  akong nararamdaman na effort na galing sayo. Pero ewan ko bakit nag- aantay ako lagi sa mga efforts mo. Kagaya ngayon inaantay ko na maparamdam mo na sa akin yung mga efforts na yun. Haaay. Pag wala pa talaga di ko na alam kung may chance ka pa kasi para naman akong ewan na ako pa yung naghihintay na may iparamdam kang efforts mo. Di ko alam kung mabibigyan pa ba kita ng chance kung magtatry ka pa ulit. Kasi nagsasawa na din talaga ako kung minsan. Nakakapagod din kasing mag hintay sa wala. Di ko alam kung sasabihin ko ba sayo na mas mabuting maging magkaibigan nalang tayo tutal parang ganun yung pinaparamdam mo sa akin na parang di ako ganun ka special sayo. EWAN KO BA. NAGUGULUHAN NA AKO. 

TRUE FRIEND

Sila ay ang mga nagpapasaya sa akin. Sila yung mga parte na ng buhay ko. Napakasaya ko at nakilala ko sila. :) Lagi silang nandyan para pasayahin ako sa mga panahon na ako ay medyo nasa stage ng pag dadrama. haha. Kahit na mag kakalayo kami still di nawala ang aming pagkakaibigan. Ayoko ng Friends forever kasi yang forever na yan di naman natutupad yan. Ang gusto ko friends everyday, haha. korni ko dami kong alam e no? haha. Sobrang masaya lang ako kasi nakilala ko sila. Di lang sila meron pang iba di ko pa kasi sila ulit nakikita. Pero i know soon makikita ko din sila. :D  i love them! <3image

image

I RESPECT WOMEN.: "May Something ba o Mabait lang talaga siya?" →

kimpoyfeliciano:

image

Yung Feeling na hindi mo alam kung may something ba sa inyo o sadyang mabait lang talaga siya. Alam mo yun! Tuwing magkasama kayo ang sweet niya, sobrang lambing, pero kapag hindi na kayo magkasama, isang text lang hindi pa mareplyan. Yung sinusubukan mo siyang basahin pero hindi mo talaga…

Nakakakilig

nung sabihin mo sa akin na “MASWERTE LANG AKO AT NAKILALA KITA” sobra mo akong napangiti. kahit na matagal mo nang nasabi yan kahit nung mga jan. mo pa nasabi sa akin yun til now di ko makalimutan. nakakaasar lang kasi pinag kakaingatan kong di mabura sa cp ko yun pero wala e. nabura pa rin paano ba naman may limit yung messages sa cp ko til 200 lang. e naku kung walang limit yun gaano na kaya kadami messages mo sa cp ko. di pa naman ako mahilig magbura ng text messages lalo na yung mga tingin at feeling kong importante or yung feeling ko di na mauulit na messages.  meron pang isa nung natanong ko sayo yung ANO yung nagpapasaya sayo ang sinabi mo pa sa akin “IKAW” natatawa pa nga ako e. ang tanong ko ANO pero ang sinagot mo e ang tanong na SINO. kaya nga parang inulit ko tanong ko sayo nun sabi ko pa anong ako? at inulit mo lang “IKAW NGA” that time di ko alam kung kikiligin ako kaya nasagot ko sayo nun ako? ako yung nagpapalungkot sayo? kasi sabay ko din natanong sayo nun kung ano din yung nagpapalungkot sayo. haha. babaw ko alam ko pero wala e. simple lang naman kasi ako mapasaya e. sabi mo nga nung magkausap tayo noon “ANG BABAW MO”. Oo mababaw lang naman kasi ako e. 

get together after almost 3 yrs.

hays. Ngayon ko lang ipopost to kasi no enough time ako e. haha. actually lalo na ngayon busy ako. Pero ewan ko ba bigla akong napaisip na magpost dito. :) Actually isa pa sa reason ko kaya di ko din agad napost to kasi di ko mabuksan yung account ko. haha. Oh diba? haha. Anyways, eto naman talaga gusto kong ipost yung time na nagkita ulit kami after almost 3 yrs. Tagal din namin di nagkita. Nung una ayaw ko pa nga makipag kita sa kanya kasi ewan may halong kaba akong nararamdaman kasi biglaan lang naman yung naging pagkikita namin siguro ilang araw bago mag Jan. 26,2013. Siguro nung Jan. 24 lang namin napag usapan? Ang unang plano naman kasi e sa Feb. 2 or 3 kami mag kikita. Tapos biglang sabi niya sa akin kita din daw kami sa 26 nga.  Ayun nagdadalawang isip talaga ako nun. Kasi lagi ko din kasabay umuwi ang aking kaibigan syempre naisip ko na baka magtampo sa akin or what pag nalaman na makikipag kita ako sa kanya. Nung una may idadahilan na sana ako kung bakit di ako/ kami matutuloy na mag kita pero nung nabanggit ko sa akin kaibigan na si Rosabelle kung sino yung kikitain ko sabi sa akin “bakit ayaw mo ba makipagkita sa kanya?” sabi ko e kasi nahihiya ako. Oo, totoo nahihiya din ako sa kanya di ko alam kung bakit pero basta. After ko marinig yun kay Rosabelle parang naisip ko na ok lang naman pala sa kanya na makipag meet ako e. So nagdecide na ako na itext siya at sabihin na matutuloy kami. At ayun na nga. Nagkita kami sa SM North. Medyo magkasunod lang kami dumating. Nauna pa nga ata ako sa kanya ng ilang minuto or siya yung nauna sa akin sadyang sa labas lang siya muna tumambay. Nung nagkita kami parang gusto ko na bigla siyang iwan sa hiya ko. haha. Dahil na nga rin sa biglaan lang naman yung pagkikita namin wala kaming napagplanuhan kung ano gagawin namin dun sa Sm, so ang nangyari naglalakad kami sa kung saan man kami dalhin ng paa namin tapos nagpapasahan kami ng tanong kung saan kami pupunta at ang ending napunta kami sa the block. haha. Lakad lakad lang muna ginawa namin then nagkayayaan na kaming dalawa na kumain na muna so kumain kami sa KFC. Kala ko pa nga siya oorder para sa aming dalawa. Di ko naman inaasahan na ililibre niya ako dahil di naman kami in the first place pero ang inaasahan ko mag ooffer siya na , siya na ang oorder kaso hindi e. Ako yung pina order niya kung di lang ako gutom nung time na yun siguro at kung masungit ako at kung kaya ko lang siya tiisin baka nakipag matigasan pa ako. haha. So ako na ang umorder nahiya naman daw ako sa kanya. After namin kumain wala lakad pa rin kami. Then nagtingin tingin din kami or siya ng mga gadgets or should i say Cellphones. Tapos kwentuhan na din ng konti. Then naisip niya na pumunta kami sa WOF. Kaso dahil madaming tao naisip niya na wag nalang kami tumuloy sa WOF at dahil dun bumalik kami sathe block. Tapos

Nakakatuwa basahin to. :) From my bestfriend AJH.

http://www.youtube.com/watch?v=ckUeJ9rWcZc